Iginiit ng pangulo na handa siyang makipag-giyera sa mga bansang magbabalak na manaliksik sa nasabing teritoryo.
Sa talumpati sa Davao City, inihayag ng pangulo na nagpadala na ang gobyerno ng isang batalyon mula sa Marines para bantayan ang Philippine Rise.
Gayunman, iba naman ang naging tono ng pangulo pagdating sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Duterte, biro at kalokohan lamang ang pangako niya noong 2016 presidential elections na siya ay pupunta sa WPS sakay ng jet ski.
“Iyong sabi ko mag-jet ski ako doon sa China, ay kalokohan ‘yon. Wala gani akong heaven road. Istorya lang man ‘yon. Maniwala pala kayo,” ani Duterte.
Inihayag din ng presidente na bukas siya sa alok na joint exploration ng Pilipinas at China sa mga pinag-aagawang teritoryo.