Sereno, nanindigang dapat niyang madepensahan ang sarili sa Senado

Palabang sinabi ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na dapat ay bigyan siya ng pagkakataon na dumipensa sa Senado.

Sa kanyang unang public appearance matapos mag indefinite leave, sinabi ni Sereno sa harap ng mga hukom, abogado at law students sa University of Baguio na nagtataka siya kung bakit kailangang ipanawagan na siya ay mag-resign.

Ayon kay Sereno, bakit kailangan niyang magbitiw kung sigurado na ang mga nasa likod ng impeachment complaint laban sa kanya na siya nga ay nagkasala.

Bakit anya hindi hayaan na umakyat sa Senado ang reklamo laban sa kanya kung tiyak na umano ang ebidensya laban sa impeachment complaint.

Giit ni Sereno, wala siyang obligasyon kaninuman na siya ay magbitiw at tungkulin niya sa mga tao na sabihin ang kanyang istorya.

Hamon ni Sereno sa kanyang mga kritiko, bigyan siya ng pagkakataon na sumailalaim sa impeachment trial ng Senado.

Read more...