Ayon kay European Commission Director General for International Cooperation and Developoment Stefano Maservisi, ang pondo ay direktang ibibigay sa Department of Health.
Hakbang ito ng EU sa kabila ng pagtanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte ng tulong mula sa naturang international body.
Nag-aalala pa rin ang EU sa umano’y mga pagpatay na may kinalaman sa droga at paglabag sa karapatang pantao pero hindi umano dapat makahadlang ang mga ito para hindi magtulungan ang Pilipinas at EU.
Ang tulong pinansyal ay bahagi ng bagong 260 million euros development assistance na inilaan para sa Pilipinas partikular sa mga proyekto sa Mindanao.