Sa pahayag na inilabas ng IBP, sinabi nila na dapat agad na pigilan ang anumang pagtatangka na i-shortcut ang pagtanggal sa chief justice, alang-alang sa pagsunod sa democratic processes.
Matatandaang naghain ng petisyon sa Supreme Court ang abogadong si Atty. Oliver Lozano para ipawalang-bisa ang pagtalaga kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kasi kay Lozano, ang impeachment hearing kay Sereno at mga pagdududa sa kaniyang kwalipikasyon ay nagsasanhi na ng hidwaan at hindi pagkakaunawaan sa “Bench and Bar.”
Gayunman, iginiit ng IBP na ang mga due process na nakasaad sa batas kaugnay ng pagpapatalsik sa isang Chief Justice ay para maproteksyunan ang mga hukom mula sa mga posibleng impluwensya ng pulitika sa kanilang pagkakatalaga sa bench.
Ilang beses na rin anilang binibigyang diin ng Supreme Court ang “built-in bias” ng Saligang Batas tungo sa “fearless and incorruptible judiciary.”
Samantala, ikinalugod naman ng IBP ang pansamantalang pagiging Acting Chief Justice ni Senior Associate Justice Antonio Carpio.