60 mga pulis na inireklamo, naaresto ng CITF sa loob ng 11 buwan

Aabot na sa 60 mga pulis na ang naaresto ng Counter-Intelligence Task Force ng Philippine National Police.

Ito’y bilang pagtugon na rin sa mahigit 10,000 text messages, phoned-in complaints at confidential information na natanggap nila sa loob ng 11 buwan laban sa mga police personnel na sangkot sa iregularidad.

Nangunguna sa mga sumbong ang pangongotong na isnundan ng droga, kidnapping, hulidap, at iba pang iligal na aktibidad.

Maliban sa 60 pulis, nakaaresto rin ang CITF ng 1 ahente ng PDEA at 19 na sibilyan na kasabwat ng mga pulis

Ang reports at reklamo ay pinakamataas sa Metro Manila na may 471, sinundan ng CALABARZON, na may 129 complaints, 128 sa Central Luzon at 84 sa Central Visayas.

Ang sinumang may reklamo ay maaaaring mag text sa CITF 24/7 hotlines na 0998-970-2286 o 0995-795-2569.

Sinabi naman ni PNP Spokesperson, Chief Superintendent John C Bulalacao, na bahagi ito ng pagsisikap ng PNP na maayos ang organisasyon.

Read more...