Region 3, nakapagtala ng pinakamaraming nasawi sa Double Barrel Reloaded ng PNP

Photo: Malolos City Police

Region 3 o Central Luzon ang pinakamaraming naitalang patay sa ilalim ng Double Barrel Reloaded ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt. John Bulalacao, sa kabuuang 102 na napatay sa buong bansa, nasa 41 ang napatay sa naturang rehiyon sa loob lamang ng 3 buwan.

Paliwanag nya, posible kasi umanong Region 3 ang lugar na may pinakamaraming drug personalities at mga nanlalaban sa operasyon.

Sinundan naman ito ng Region 12 na may 20 recorded deaths at NCR na may 15 nasawi.

Sa Region 4A may 6 na patay, 5 naman sa Region 7, 4 ang patay sa Region 11, 3

patay sa Region 9, tig 2 ang patay sa Region 6, Region 10 at ARMM at tig isa naman ang patay sa Region 5 at 8.

Read more...