4 arestado dahil sa illegal logging sa Quirino

Timbog ang apat katao sa lalawigan ng Quirino dahil sa illegal logging.

Nakilala ang mga suspek na sina Aries at Evan Arucan, Moreno Baloc, at Sheldan Antolin na mga residente ng bayan ng Aglipay.

Nakatanggap ng imporamsyon ang pulisya mula sa isang concerned citizen na ibinibiyahe ng apat sa kanilang van ang lumber na iligal na pinutol.

Tumugon naman ang Quezon Provincial Maneuver Force Company, at naaresto ang mga suspek sa isang checkpoint sa Aglipay.

Nakumpiska ang 600 board feet ng lumber sa kanilang sasakyan.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Forestry Reform Code ang apat.

Read more...