Mga opisyal na nagpabaya sa Boracay, kakasuhan sa loob ng anim ng buwan

Mahaharap sa kaso sa loob ng anim na buwan ang mga opisyal na mapatutunayang naging pabaya sa enironmental problems ng Boracay Island.

Nagbabala si Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año na sasampahan nila ng reklamo sa Ombudsman ang mga ito.

Tumanggi naman si Año na pangalanan ang mga opisyal na ito batay sa kanilang initial assessment.

Sinabi ng opisyal na bumuo na sila ng task force para imbestigahan ang mga ito simula noong 2001.

Kabilang sa iimbestigahan ang local government units at ibang opisyal ng mga ahensya.

 

 

 

 

 

Read more...