Security sectors sa bansa, hinikayat ng AFP na makiisa sa pagdiriwang ng Women’s Month

Inquirer File Photo

Hinikayat ng Armed Forces of the Philippines ang lahat ng miyembro ng Security Sector ng bansa na makiisa sa pagdiriwang ng Women’s Month na simula kahapon March 1.

Ngayong taon may temang “We Make Change Work for Women” ang selebrasyon na naglalayon nang pagkapapantay-pantay at mas malawak na oportunidad para sa mga kababaihan.

Ayon Kay AFP Spokesman B/Gen. Bienvenido Datuin, nararapat lang na bigyang pagkilala ang lahat ng magigiting na babaeng sundalo at civilian employees ng AFP.

Nararapat din daw na mabura na ang diskriminasyon at maitaguyod ang komunidad na may “gender equality”.

Sinabi rin ng opisyal na suportado ng AFP ang paglaban sa mga pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan.

Paliwanag niya, patuloy na isusulong ng AFP ang mga Gender Development Programs upang mas mapalawak ang kapasidad at papel ng kababaihan sa isang tunay na “world class” AFP.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...