Tatalakayin ang sitwasyon ng overseas Filipinon workers (OFWs) sa Syria na lugmok sa gyera ngayon sa pagpupulong ng Pilipinas at Syria.
Ayon kay Ambassador Crescente Relacion, aalamin nila ang kalagayan ng OFWs sa naturang bansa, at kung mayroong mga nais makauwi sa Pilipinas.
Napag-alaman na batay sa ipinatutupad ng gobyerno ng Syria, kinakailangang magbayad ng deployment cost ang OFWs para sa kanilang employer.
Nakatakdang lumipad sa Syria ang mga opisyal ng gobyerno para pag-usapan ito ngayong buwan.
Ang hakbang na ito ay kasunod ito ng sinapit ni Janneth Magdasoc na nabiktima ng human trafficking.
MOST READ
LATEST STORIES