Halos 11,000 bagong kaso ng Dengue, naitala ng DOH ngayong taon

Nakapagtala ng 11,000 bagong kaso ng dengue ang Department of Health sa unang anim na linggo ng 2018.

Batay sa DOH Dengue Disease Surveillance Report, 10,980 dengue ang naitala mula January 1 hanggang February 10. 23% nito ay nasa edad 10 hanggang 14 taong gulang.

Limampu’t isa naman ang nasawi sa dengue ngayong taon.

Mas mababa ang bilang ng kaso ng dengue nang 41.38% kaysa 18.731 na naitala sa parehong panahon noong 2017.

Ayon sa DOH, karamihan sa mga 11,000 kaso ay nasa mga lugar kung saan isanagawa ang mass dengue vaccination program. Nangunguna rito ang Calabarzon na may 2,503 kaso. Sinundan ito ng Central Luzon na may 1,964 na kaso at National Capital Region na may 1,820 na kaso.

Bumaba naman ang bilang nga mga kaso ng dengue sa ibang bahagi ng bansa, maliban sa Ilocos Rgion, Cordillera Administrative Region at Calabarzon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...