Aicelle Santos, kumpirmadong gaganap bilang “Gigi” sa Miss Saigon sa UK

Papasukin na ng Kapuso star na si Aicelle Santos ang global theater community.

Ito ay matapos na mapabilib niya ang publko sa kaniyang ipinakitang galing sa “Himala: The Musical”.

Kumpirmado nang gaganap si Aicelle bilang “Gigi Van Tranh” sa Miss Saigon sa United Kingdom.

Ito din ang kaparehong role na ginampanan noon ni Rachelle Ann Go noong 2014. At ni Isay Alvarez noong 1989.

Nakatakda nang umalis ng bansa si Aicelle ngayong buwan para sa training.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...