Kapitan ng barangay patay sa pamamaril sa Batangas City

Patay isang barangay chairman ng San Juan, Batangas matapos pagbabarilin.

Sa spot report mula sa Philippine National Police – Region 4, ang biktima ay si Mario Valdez Sulit kapitan ng barangay Hugom ng nabanggit na lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, papasok na sana sa kanilang garahe ang biktima nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek gamit ang caliber 40 na baril.

Agad naman na tumakas ang suspek gamit ang isang motor patungo sa deriksyon ng Lobo, Batangas.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima pero ideneklara rin ito na dead on arrival.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...