Kaso ng pagpatay kay Joanna Demafilis, hindi aabutin ng isang taon

Tiniyak ng pamahalaan ng Kuwait na maibibigay agad ang hustisya kay Joanna Daniela Demafiles, ang OFW na nakitang patay sa loob ng freezer.

Ayon kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa base sa pakikipag-usap nila sa mga may hawak sa kaso ni Demafelis, tiniyak ng mga ito na hindi aabutin ng isang taon ang kaso at titiyakin nilang mahahatulan ang mga suspek na sina Nader Essam Assaf at Mona Hassoun.

Sinabi pa ni Villa na sa dami ng mga ebidensiya laban sa mag-asawa, kumpiyansa ang mga piskal sa Kuwait na maaring mabigat na parusa ang kaharapin ng dalawa.

Sa ngayon nananatili pa sa kostodiya ng Lebanon authorities ang lalaking suspek habang nasa kostodiya naman ng Syrian authorities ang babae.

Ani Villa, sa ngayon, wala pang impormasyon mula sa Lebanon na ipapa-extradite si Assaf habang nahihirapan naman ang Kuwait na mapabalik ang among babae dahil sa gulo sa Syria.

Una nang tiniyak ng pamahalaan ng Kuwait na kahit hindi pa naibabalik sa kanila ang mga suspek ay magsasagawa sila ng “trial in absencia” sa mga ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...