Ito ang inihayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) kasabay nang paggunita ng Fire Prevention Month.
Sa datos mula sa BDP, ngayong taon, 1,758 insidente na ng sunog ang naitala at ang mga ito ay nagresulta din sa pagkakasugat ng 108 katao at higit sa P1 bilyon na ang halaga ng pinsala.
Sa bilang ng insidente, 525 ang nangyari sa Metro Manila, kung saan siyam ang namatay at 36 ang nasugatan.
Sa kabuuan ng nakaraang taon, 14,000 insidente ng sunog ang naitala, 304 ang namatay, 889 ang nasugatan at higit sa P7.8 bilyon ang halaga ng napinsalang ari-arian.
Nanatiling ang depektibong koneksyon ng kuryente, sigarilyo at kalan ang tatlong pangunahing ugat ng sunog.