Ito ang sinabi ng pamunuan ng MRT 3 sa isang pahayag kasunod ng kawalan ng aberya sa linya ng tren sa nagdaang linggo.
Nang hingan naman ng komento si Transportation Secretary Arthur Tugade, sinabi nito na maaaring naging maswerte lamang sila sa nagdaang mga araw.
Inihayag ni Tugade sa sidelines ng Transportation Summit sa Mapua University na nakarating na ang spare parts para sa MRT 3.
Ikinalugod din ng kagawaran na matugunan ang mga isyu sa lalong madaling panahon at walang mga pasaherong pwersahang nagbukas sa mga pintuan ng tren.
Umaasa siya na magpapatuloy ang ganitong mga sitwasyon.
Gayunman, ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, masyado pang maaga para magdiwang ang gobyerno.
Mas malaking hamon pa anya ang naghihintay para masiguro na mas maraming gumaganang tren ang maisaayos upang maserbisyuhan ang publiko.
Sa panayam ng Inquirer, iginiit ni Reyes na dapat ay may long-term plan ang gobyerno para pagmintena ng MRT 3 at sinabing dapat ang gobyerno ang mamuno dito at hindi na isapribado.