Palasyo, iginiit na wala silang kinalaman sa Sereno impeachment

INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

“Huwag naman po ituro ang Palasyo sa impeachment na ‘yan…’

Ito ang bahagi ng pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque at iginiit na walang kinalaman ang Palasyo sa nagaganap na impeachment proceedings laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kamakailan ay nagbigay ng pahiwatig ang punong mahistrado na maaaring ang pangulo ang nasa likod ng planong pagpapatalsik sa kanya sa pwesto.

Ayon kay Roque, malinaw mismo na mismong ang mga kasamahan ni Sereno sa Korte Suprema ang nagbibigay ng testimonya laban sa kanya.

Desisyon na anya ni Sereno kung magreretiro sa serbisyo o magbibitiw sa kanyang pwesto.

Iminungkahi naman ni Roque sa punong hukom na gamitin ang kanyang indefinite leave upang magmuni-muni at magdesisyon para sa ikabubuti ng Korte Suprema.

Anya, hindi lamang ito personal na kaso ni Sereno at nakasalalay ang integridad ng hudikatura at ng Korte Suprema bilang isang institusyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...