Ang naturang submarine ayon sa US embassy ay naparito para sa isang routine port visit habang nakadeploy ito sa Indo-Pacific region.
Sinabi rin ng embahada na ang pagbisita nito sa bansa ay nagpapakita ng matatag na ugnayan ng Pilipinas at US dahil na rin sa oportunidad na maibibigay nito sa crew ng barko na makasalamuha ang lokal na komunidad sa Subic Area.
Iginiit din ng embahada na ipapakita rin nito ang pagiging ‘committed’ ng US para masiguro ang ‘stability’ at ‘maritime security’ sa rehiyon.
Sinabi ni Commanding Officer Commander Travis Zettelna ito na ang ika-siyam at huling pagbisita ng Bremerton sa Subic sa 37 taon nito sa serbisyo.
Sa katapusan ng taon ay tutungo na ang submarine sa lungsod na pinaghanguan ng pangalan nito, sa Bremerton, Washington para sa decommissioning matapos ang halos apat na dekadang serbisyo.