Idineklara ng Department of Health ang measles outbreak sa lungsod ng Taguig.
Ito ay matapos makumpirma na mayroong naitalang pitong kaso ng tigdas sa isang baranggay sa nasabing siyudad.
Ayon kay Health Undersecrtary Eric Domingo, bagaman pito lang ang naitalang kaso ay kinailangan nang magdeklara ng outbreak dahil wala na anyang dapat ganitong sakit sa ngayon.
Sinabi ni Domingo na kahit isa o dalawang kaso lamang na maitala ay dapat nang makontamina upang hindi na kumalat.
Ibinunyag din ng kagawaran na ang posibleng dahilan ng pagkakatala ng tigdas ngayon sa Taguig ay bunsod ng pagbaba ng immunization coverage sa lungsod para sa nasabing sakit.
Hindi isinasantabi na may kinalaman ang kotrobersiya tungkol sa Dengvaxia o dengue vaccine na nagdulot ng takot sa mga magulang upang pabakunahan ang kanilang mga anak ani Domingo.
Isang infectious disease ang tigdas na maaaring ikamatay partikular ng mga bata.