Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi dapat na bigyan maling pakahulugan ng mga kritiko ang pahayag ng pangulo na magkaroon na lamang ng co- ownership ang dalawang bansa.
Paliwanag ni Roque, malianaw kasi na nasa exclusive economic zone ang joint exploration ng Philippine at Chinese nationals sa West Philippine Sea kung matutuloy man ito.
Ayon kay Roque, tanging ang Pilipinas ang may ekslusibong sovereign rights.
Idinagdag pa ng opisyal na anumang uri ng exploration na gagawin sa West Philippine Sea na solong gagawin ng China ay hindi papayagan ng Pilipinas partikular na sa mga disputed areas.