PAL at Cebu Pacific handang magsauli ng terminal fees

Ibabalik ng Cebu Pacific at Philippine Airlines ang terminal fees na kinolekta sa mga pasahero na hindi natuloy sa kanilang flights.

Ayon sa PAL, mas nais nitong maibalik ang pera sa lalong madaling panahon dahil madadagadagan pa ang pananagutan nito habang tumatagal.

Ipinahayag naman ni CebGo president at CEO Alexander Lao na handa silang ibalik ang terminal fees.

Gayunman, aminado si Lao na mahihirapan silang hanapin at i-contact ang bawat kliyente para ibalik ang refund.

Malinaw naman aniya sa kanila nga hindi sa kanila ang pera.

Sinabi ni Lao na aabot sa P250 Million ang terminal fee na kanilang kinolekta sa tickets ng kanseladong flights.

Read more...