Apektado ng fish kill ang higit 100 cages na tinatayang may tig-10,000 tilapia at malaga ang alaga.
Karamihan sa mga ito ay hindi na naibenta, pero may ilang ibinenta pa rin sa mas murang halaga.
Inaalam pa ang sanhi ng fishkill, pero sa tingin ng mga mangingisda, kinulang sa oxygen ang mga isda dahil sa overfeeding.
Posible rin umanong nalason ang mga ito dahil sa naghalong tubig-tabang at tubig-alat.
Susuriin naman ng Provincial at Regional Fisheries Office at Department of Agriculture (DA) sa San Vicente, Ilocos Sur ang sanhi ng insidente.
MOST READ
LATEST STORIES