Sumuko na umano’y recruiter ni Joanna Demafilis, itinangging siya ang nag-recruit sa OFW

Kuha ni Mark Makalalad

Itinanggi ng sumukong si Agnes Tuballes na siya ang nag-recruit kay Joanna Demafelis, ang OFW na natagpuang patay sa loob ng freezer sa Kuwait.

Ayon kay Tuballes, siya lamang ang nag-refer kay Demafelis sa Mt. Carmel recruitment agency.

Sinabi ni Tuballes na nagpasya siyang kusang magtungo sa PNP-CIDG para linisan ang kaniyang pangalan matapos na malantad maging ang kaniyang larawan at sabihin sa mga balita na siya ang recruiter ni Demafelis.

Tinukoy ni Tuballes ang isang nagngangalang “Mariz” na siyang nagproseso ng mga papeles ni Demafelis at nag-deploy dito sa Kuwait.

Ani Tuballes, hindi siya empleyado ng Mt. Carmel peri aminado ito na mayroon siyang porsyento sa bawat manggagawa na maire-refer niya sa ahensya.

Noong ni-refer niya si Demafelis ay nakatanggap umano siya ng P13,000.

Ayon kay Tuballes, hindi niya ginusto ang sinapit ni Demafelis sa Kuwait at hindi rin niya agad nalaman na mayroon na palang problema ang nasabing OFW sa kaniyang amo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...