Toni Gonzaga at Direk Paul, ikinasal na

Toni weddingIkinasal na Biyernes ng hapon ang TV host na si Toni Gonzaga at commercial and film director Paul Soriano sa United Methodist Church sa Taytay, Rizal.

Sa report ni Marinel Cruz ng Philippine Daily Inquirer, suot ng bride na si Toni ang gown na dinisenyo ng American fashion designer na si Vera Wang habang si Soriano ay Hugo Boss suit ang attire.

Kabilang sa mga principal sponsors sina Manila Mayor Joseph Estrada, ABS-CBN Chair Gabby Lopez, ABS-CBN President and CEO Charo Santos-Concio, Saranggani Rep. and boxing Champ Manny Pacquiao, at si TV Host-talent manager Boy Abunda.

Si Alex Gonzaga naman ang maid of honor.

Sa kaniyang mensahe para sa bagong kasal, sinabi ni Abunda na kapwa career-oriented sina Tony at Direk Paul kaya ang wish niya para sa mga ito ay magkaroon ng “forever happy life”.

“A life that’s real, normal, and with challenges and bumps,” he explained. “To have a happy life may seem impossible in the beginning, so the couple should not be afraid to make compromises. The middle ground is the best place to be.” ayon kay Abunda.

Read more...