Duterte, bukas sa co-ownership ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na magkaroon ng co-ownership ang Pilipinas at China sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

Sa talumpati ng pangulo sa turn over ng phase 2 ng bahay pag asa sa Brgy Mipaga, Marawi City, sinabi nito na nag alok ang China ng joint exploration sa lugar.

Mas maganda aniya na may joint exploration at co-owenrship ang dalawang bansa kaysa mauwi pa sa giyera ang sitwasyon.

Ayon sa pangulo, una na rin niyang idiniga kay Chinse President Xi Jinping na balak din niyang magsagawa ng oil digging sa Spratly Islands.

Iginiit ng pangulo na wala rin namang balak ang China na magtagal sa West Philippine Sea dahil bibigay din sila at batid nilang pag-aari ng Pilipinas ang naturang lugar.

Una nang inamin ng pangulo na walang kakayahan ang Pilipinas na makipag-giyera sa China dahil sa walang sapat na supply ng matatas na uri ng armas ang bansa.

Read more...