Palasyo, minaliit ang donasyon ng Omidyar Network sa Rappler

Inquirer File Photo

Minaliit ng palasyo ng Malakanyang ang napaulat na donasyon ng Omidyar Network ng Philippine Depository Receipts (PDRs) na nagkakahalaga ng 1.5 milyong dolyar sa Rappler.

Matatandaang sinabi ni Omidyar partner Stephen King na ang donasyong ito ay magbubunsod ng kawalang basehan ng Security and Exchange Commission upang ipasara ang naturang news outlet.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang naging hakbang ay isang ‘circumvention of the law’ o pandaraya sa batas na nagtatakda na dapat ang pagmamay-ari sa media entities sa bansa ay dapat 100 porsyentong pagmamay-ari ng mga Filipino.

Iginiit ni Roque na hindi pa rin maikakaila na nalabag ng Rappler ang Konstitusyon.

Dagdag pa ng opisyal, ang depensa ng Rappler na pagharang ng gobyerno sa kalayaan sa pamamahayag ay isa lamang paraan ng news outlet upang ilihis ang tunay na isyu.

Sinabi ni Roque na hintayin na lamang ang magiging desisyon ng SEC na siyang may hurisdiksyon sa isyu sa naging mga panibagong aksyon na ito.

Read more...