Rigodon, ipatutupad sa mga opisyal ng DOH

Magpapatupad ng revamp sa Department of Health sa susunod na linggo.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, tatamaan ng reshuffle ang matataas na mga opisyal ng ahensya kabilang ang mga undersecretaries at assistant secretaries.

Layon ng hakbang ng kalihim na mapanatili ang integridad ng imbestigasyon sa mga isyung kinakaharap ng ahensya at para maiwasan ang posibleng impluwensya sa resulta.

Hindi pa pinangalanan ni Duque ang mga kasama sa rigodon o re-assignment ng mga opisyal.

Ang revamp ay gagawin sa gitna ng kontrobersyang dulot ng Dengvaxia at ang umanoy mafia-style na kurapsyon sa DOH.

Read more...