Ayon kay Navotas City Fire Marshall, Fire Superintendent Edwin Vargas alas-8:23 ng gabi nang sumiklab ang apoy mula sa bahay ng isang Liza Reyes.
Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa nasa 40 kabahayan, kung saan nasa 80 mga pamilya ang nagsilikas at walang matutuluyan ngayong gabi. Dahil sa kipot ng kalsada ay nahirapan ang mga bumbero na makapasok at apulahin ang sunog.
Sa ngayon, isang senior citizen pa lamang ang inasistehan ng Philippine Red Cross matapos mahirapang huminga dahil sa kapal ng usok.
Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang apoy na 10:25 nang ideklarang fire under control.
Tinatayang nasa ₱1 milyon ang kabuuang halaga ng mga pinsala dahil sa nasabing pagliliyab.
Hindi pa batid kung ano ang pinagmulan ng sunog.