Sa talumpati ng Pangulo sa turnover ng Bahay Pag-asa Phase 2sa Brgy. Mipaga, Marawi City, sinabi ng pangulo na sisiklab ang kaguluhan kapag may magsasagawa ng pananaliksik o anumang uri ng aktibidad sa Philippine Rise nang walang paalam mula sa gobyerno ng Pilipinas.
Nanindigan ang pangulo na pag-aari ng Pilipinas ang Philippine Rise.
Sa ngayon, sinabi ng Pangulo na mayroon nang nakaposisyon na isang batallion ng Philippine Marines para magbantay sa Philippine Rise.
Una rito, inatasan ng Pangulo ang Philippine Navy na barilin ang sinumang dayuhan na mangangahas na pumasok sa Philippine Rise nang walang pahintulot mula sa gobyerno.