Malacañang nagpasalamat sa pagkakasama ng Maute group sa terrorist list ng U.S

Inquirer file photo

Welcome development sa Malacañang ang pagkakasama ng Maute group sa U.S foreign terrorist organizations.

Ayon kay Presdiential Spokesman Harry Roque, tama lamang ang ginawa ng U.S dahil malaking bagay ito sa kampanya ng gobyerno kontra terorismo.

Iginiit pa ni Roque na pinagtitibay nito ang matagal ng paniwala ng gobyerno na ang Maute group ay binubuo ng mga local terrorist na sinusuportahan ng foreign extremists partikular ng ISIS.

Naniniwala din si Roque na ang hakbang na ito ng U.S ay pagkilala sa naging aksyon ng Pilipinas para mapalaya ang Marawi City mula sa mga terorista at mapigilan ang pagtatag nila ng Islamic Caliphate sa lugar, gayundin makontrol ang pagkalat ng rebelyon sa ibang bahagi ng bansa.

Matatandaang ang Maute group ang nagpasimuno sa giyera sa Marawi City na tumagal ng ilang buwan.

Nauna dito ay sinabi ng Australian government na may nakuha silang mga intelligence reports na balak ng mga terorista na magbuo ng isa pang grupo at maglunsad ng isa pang pagsalakay tulad ng ginawa nila sa Marawi City.

Read more...