Voucher program para sa mga Senior High School pupils magtatapos ngayong araw

Inquirer file photo

Hanggang ngayong araw na lamang ang application para sa Senior High School (SHS) voucher program para sa Grade 10 students sa mga pribadong paaralan.

Sa advisory ng Department of Education (DepEd), tatanggap sila ng applications mula sa Grade 10 students hanggang 11:59 ng gabi.

Maaaring ma-access ang online application para sa Private Education Assistance Committe e Online Voucher Application Portal sa ovap.deped.gov.ph.

Ayon sa DepEd, tulong pinansyal ito para sa Grade 10 students sa na mag-aaral ng SHS sa mga pribadong paaralan.

Kwalipikadong mag-apply sa programa ang mga magtatapos ng Grade 10 sa mga pribadong paaralan, kasama ang state-run universities and colleges, local universities and colleges, at Educational Service Contracting (ESC) grantees sa mga pribadong paaralan ay pre-qualified na sa programa, at hindi na kailangang mag-apply.

Makakatanggap naman ng subsidy sa tuition at iba pang bayarin ang mga magka-qualify sa programa.

Read more...