Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat na magbitiw na lamang sa puwesto ang mga opisyal ng NFA kung hindi kayang gampanan ang kanilang tungkulin.
Dagdag ni Roque, kung nahihirapan na ang mga nasa gobyerno gaya ng mga nasa NFA sa paninilbihan, pag-isipan na umano ang paglipat ng ibang karera sa pribadong sektor.
Kumbinsido rin ang palasyo na tama ang posisyon ni Senador Cynthia Villar na hindi dapat nagsasabi ng mga bagay ang mga opisyal ng NFA na magdudulot ng panic sa taongbayan lalo hindi naman totoong wala ng bigas ang bansa.
Magugunitang sinabi ni Villar sa senate hearing na kung hindi ‘tanga’ ay corrupt si NFA Administrator Jason Aquino.
Kinatigan din ng Malacañang ang NFA Council na pinamumunuan ni Secretary to the Cabinet Jun Evasco sa desisyon nilang huwag munang umangkat ng bigas ang NFA para sa kanilang buffer stock.