Halos 400 pulis sinibak sa serbisyo sa nakalipas 2 taon

Radyo Inquirer File Photo

Sinibak sa serbisyo ang 398 pulis sa nakalipas na 26 na buwan dahil sa iba’t ibang kaso, kabilang ang kasong kriminal, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Directorate for Personnel and Records Management, 1,216 pulis ang pinatawan ng parusa gaya ng suspensyon, demotion, reprimand, restriction at salary forfeiture.

Sa bilang na ito, may kinalaman sa iligal na droga ang 167 kaso.

Nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga ang 151 habang ang 18 at sangkot sa mga aktibidad kaugnay ng droga.

Samantala, nag-AWOL (absent without official leave) ang 91 pulis na sinibak.

Sangkot naman sa murder ang 22 pulis, 10 sa kidnapping, 6 sa homicide, 3 sa rape, 2 sa parricide habang 3 naman ang sangkot sa illegal arrest o detention.

Sibak din sa serbisyo ang 23 pulis na sangkot sa robbery at extortion, isa sa graft and malversation, at 70 naman ang dahil sa grave misconduct.

Nilagdaan ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa ang dismissal order laban sa mga tiwaling pulis.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...