Leave ni Sereno walang petsa kung hanggang kailan; pero hindi forever ayon sa kaniyang tagapagsalita

PDI Photo | Jhesset Enano

Walang petsa kung hanggang kailan tatagal ang indefinite leave na inihain ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon sa tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Jojo Lacanilao, ang leave ni Sereno na mula March 1 hanggang 15, 2018 ay bahagi ng kaniyang wellness leave.

Matapos ito, ididiretso ang indefinite leave ni Sereno bilang bahagi ng paghahanda niya para sa impeachment hearing sa Senado.

Sinabi ni Lacanilao na hindi pa alam sa ngayon kung kailan ang ‘end point’ ng leave pero ang matitiyak umano niya ay hindi ito ‘forever’.

Dagdag pa ni Lacanilao bagaman naka indefinite/wellness leave si Sereno, nananatili pa rin siyang punong mahistrado ng Korte Supreme.

Bagaman may mga balita aniyang pinupwersa si Sereno na magbitiw sa pwesto, sinabi ni Lacanilao na kung magbibitiw man ang punong mahistrado ay sariling pasya niya ito at hindi dahil sa kagustuhan ng iba.

Pero ani Lacanilao, walang intensyon sa ngayon si Sereno na magbitiw sa pwesto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...