Ang liham na may petsang February 27, 2018 ay naka-address kay Supreme Court En Banc Deputy Clerk of Court Atty. Anna-li Papa Gombio.
Nakasaad sa liham na dahil sa demands ng nalalapit na senate trial sa impeachment complaint laban sa kaniya kinakailangan niyang maghain ng indefinite leave.
Ito ay upang mapaghandaan niya umano ng husto ang kaniyang mga isasagot sa mga walang basehang reklamo laban sa kaniya.
Bahagi ng indefinite leave ay ibabawas sa wellnes leave ni Sereno at ito ang naka-charge para sa petsang March 1 hanggang 15, 2018.
MOST READ
LATEST STORIES