Ayon kay IBP President Abdiel Elijah Fajardo nang itayo ang mga istraktura imposible na walang nahukay na mga corals para pagtayuan ng platforms na susuporta sa mga isla.
Binanggit nito na siyam na coral reefs ang nasira ng paghuhukay at aabutin ng libo-libong taon bago makakarekober ang mga ito.
Aniya ang kanilang impormasyon ay mula sa non-government organizations na nagsusulong ng maritime protection.
Ibinahagi pa ni Fajardo na hindi imposible na ang pagpapatayo ng China ng artificial islands ay maituturing na ‘maritime environmental disaster.’
Dagdag pa nito kasama sa pinag aaralan nila ay ang paghingi ng danyos at injunction para matigil na ang patuloy na pagkasira ng mga koral.