Ayon sa Arlington, Virginia Fire Department, dumating ang liham sa Joint Base Myer-Henderson Hall na isang US Marine base at aabot sa labingisang katao ang agad na sumama ang pakiramdam.
Ayon sa pahayag ng Pentagon, kabilang sa mga naapektuhan ang ilang miyembro ng US Marines.
Tatlo ang dinala sa ospital na ayon sa mga otoridad ay nasa maayos naman nang kondisyon.
Nakaranas sila ng pagdurugo ng ilong at pagkasunog ng kamay kaya hininalang insidente ng “HAZMAT” o hazardous materials ang naganap.
Agad nagtalaga ng “HAZMAT” teams sa lugar kabilang ang mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation at pinalikas ang mga taong nasa military base.