Presyo ng ilang de lata, tumaas

Inquirer.net Photo

Tumaas ang presyo ng ilang canned goods dahil sa pagtataas ng halaga ng raw materials.

Nag-abiso sa Department of Trade and Industry (DTI) ang ilang manufacturer ng corned beef, beef loaf at meat loaf sa pagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto.

Naglalaro sa 50 centavos hanggang P1.00 ang kanilang ipinatupad na dagdag sa presyo.

Maging ang presyo ng ilang condiments gaya ng toyo, sukat at patis ay tumaas din.

Ayon sa DTI, hindi naman lahat ng brand ng de lata ay nagkaroon ng pagtaas sa presyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...