Sa paraang ito ay magiging bahagi ang netizens ng “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign ng pamahalaan sa pamamagitan ng “Sumbong Bulok, Sumbong Usok” hotline.
Dito maaring isumbong ng mga tao ang mga nakikita nilang sasakyan na unroadworthy o bulok na, mga smoke-belching na sasakyan, o iyong mga iligal na nakaparadang sasakyan.
Maari din itong tumanggap ng mga reklamo laban sa mga illegal vendors na madalas nakahambalang sa tabi ng kalsada at nagpapasikip ng daloy ng trapiko.
Pwede din isumbong ng netizens dito ang mga abusado o pasaway na miyembro ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at Metropolitan Manila Development Authority.
Mabubuksan ng netizens ang SBSU sa official Facebook Messenger account ng I-ACT, kung saan kailangan lang nila mamili mula sa menu ng mga preset reports.
Para naman masuportahan ang kanilang reklamo, hihingan ng chatbot ang netizen ng larawan o video kung saan makikita ang kaniyang isinusumbong.
Ayon kay Transportation Undersecretary for roads Tim Orbos, layon nitong mapalawig ang enforcement capabilities ng I-ACT lalo na tuwing gabi kung kailang kakaunti lang ang kanilang enforcers sa kalsada.
Sa ganitong paraan din aniya ay malalaman nila kung saang partikular na mga lugar namamalagi at nakikita ang mga pasaway na PUV o motorista.