88 armas, isinuko sa ilalim ng Balik Baril program sa Maguindanao

 

Hindi bababa sa 88 mga armas ang iti-nurn over ng lokal na pamahalaan ng Maguindanao sa militar.

Pawang mga nagmula sa mga residente sa mga bayan ng Buldon, Parang, Matanog at Barira ang mga naturang armas na ibinigay sa Joint Task Force Central ng AFP.

Ang aktibidad ay bahagi ng Balik-Baril program ng lokal na pamahalaan, ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police laban sa pagkalat ng mga loose firearms sa Central Mindanao province.

Kapalit ng mga isinurender na armas, tatanggap naman ng cash incentives at livelihood projects ang mga residenteng nagsauli ng mga ito sa gobyerno.

Read more...