Dinampot ang suspek na si Joel Calara, 50 anyos nang ipatupad ang search warrant ng Makati Police sa bahay nito sa Belleza St. Brgy. Pitogo, Makati City.
Nakuha mula sa suspek ang 1 cal. 38 na kargado ng 3 bala,
1 home made cal. 45, 1 home made shotgun (sumpak), 1 jungle bolo, 8 pakete ng hinihinalang shabu at paraphernalia.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at illegal possession of firearms.
MOST READ
LATEST STORIES