Hindi gagayahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hakbang ng Chinese Communist Party na palawigin pa ang termino ni Chinese President Xi Jinping.
Ito ay kahit na matalik na magkaibigan sina Duterte at Xi
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang paninindigan ni Pangulong Duterte na agad na siyang bababa sa puwesto kapag natapos na ang kanyang termino sa 2022.
Katunayan kapag naisulong na ang Federalism ay bababa na ang pangulo bago pa man ang nakatakdang pagtatapos ng kanyang termino.
Ayon kay Roque, panloob na usapin ang term extension ni Xi kung kaya hindi na makikialam ang Pilipinas
Nahalal si Xi noong 2013 at matatapos ang kanyang termino sa 2023.
Pero sa hirit ng kanyang partido ay dapat na umano ng alisin ang term limit sa kanilang pangulo.