Sinampahan ng ikatlong kaso sa Sandiganbayan si Dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima.
May kaugnayan ito sa hindi niya paglalagay ng ilang mga ari-arian sa kanyang mga isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Sinabi ng Office of the Ombudsman na nahaharap sa panibagong walong kaso ng perjury si Purisima kaugnay sa paglabag sa Article 183 ng Revised Penal Code.Napatunayan ng Ombudsman na kulang ang mga impormasyon o kaya naman ay sadyang mali ang nilalaman ng SALN ni Purisima para sa mga taong 2006 hanggang 2009 at mula 2011 hanggang 2014.
Kabilang dito ang hindi pagdedeklara ng ilang mga lupain na pag-aari ng kanyang misis na si Maria Ramona Lydia Purisima.
Hindi rin umano idineklara ng dating opisyal sa kanyang mga SALN ang dalawa sa kanyang mga baril na kinabibilang ng isang STI Caliber .40 Pistol at isang CZ SP-01 Shadom 9mm.
Ayon sa Section 8 ng Code of Ethical Standards for Public Officials and Employees, ang lahat ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan ay obligadong magsumite ng kanilang SALN.
Nauna dito ay nahaharap rin sa kasong katiwalian si Purisima dahil sa maanomalyang courier deal para sa mga lisensiya ng baril noong siya pa ang PNP Chief.
Kinasuhan rin siya ng graft at usurpation of official function na naganap na Mamasapano massacre na nagresulta sa kamatayan ng kamatayan ng 44 miyembro ng PNP Special Action Force.