Isa sa mga suspek sa P6 Billion shabu shipment ililipat sa Camp Crame

Radyo Inquirer

Ililipat na ng kulungan anumang oras ngayong araw ang isa sa suspek sa nasabat na mahigit na P6 Billion shabu shipment sa Bureau of Customs na si Mark Ruben Taguba.

Ito ay bilang pagsunod sa order of commitment na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 46.

Mula sa National Bureau of Investigation Detention Center, ililipat ang sinasabing customs fixer na si Taguba sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Una rito, hiniling ng mga abogado ni Taguba na manatili siya sa kustodiya ng NBI o di kaya ay mailipat sa Custodial Center ng PNP sa halip na ilipat sa Manila City Jail dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay.

Pero nagpasya ang Manila RTC na ilipat na lang ito sa Camp Crame imbes na sa Manila City Jail kung saan maaaring malagay sa panganib si Taguba.

Nabatid na isinasailalim na na lamang sa medical examination si Taguba bago ilipat sa Camp Crame.

Read more...