Naghain ng leave of absence su Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon sa tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Josa Deinla, wellness leave ang inihain ng punong mahistrado.
Ito ay upang mapaghandaan ni Sereno ang kaniyang depensa sa Senate impeachment court.
Ang leave ni Sereno ay magsisimula sa March 1 hanggang sa March 15, 2018.
Sa isinagawang en banc session Martes ng umaga, mayorya umano ng mga mahistrado ang nagsbing dapat mag-leave of absence si Sereno.
READ NEXT
NFA nasermunan sa pagdinig sa senado dahil sa paglikha ng panic sa problema sa suplay ng bigas
MOST READ
LATEST STORIES