Sa update mula sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyong Kabayan sa 70 kilometers Northwest ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers kada oras. Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 22 kilometers kada oras.
Mula sa walong lalawigan kanina, ngayon ay La Union at Pangasinan na lamang ang mga lalawigang nakasailalim sa public storm warning signal number 2.
Signal number 1 naman ang nakataas sa Benguet, Tarlac, Ilcos Sur at Zambales.
Ayon sa PAGASA sa pagitan ng alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang ala 1:00 ng madaling araw bukas ay lalabas ng bansa ang bagyo.
Posibleng bukas ay makararanas na ng magandang panahon sa bansa ayon sa PAGASA.