Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde sa ngayon, wala pa naman silang natatanggap na banta ng terorismo sa buong Metro Manila.
Gayunman, minabuti nilang magtaas ng alterto dahil maaring may mga teroristang grupo ang magplano ng pag-atake makaarang maaresto si Juromee Dongon, na biyuda nina alyas Marwan at ni Janjalani.
Si Dongon ay naaresto nitong weekend kasama ang apat na iba pang hinihinalang terorista sa Lanao del Norte.
Bilang biyuda ng dalawang terrorist leaders may malaking papel si Dongon sa terrorist groups.
Mayroon din umano itong ugnayan sa Abu Sayyaf group at Southeast Asian terror group na Jemaah Islamiyah.