Natapos na ang isang taon na pagtatago ni Monico Batol makaraang mahuli na siya ng mga tauhan ng Abad Santos police sa Maynila.
Si Batol ay itinuturing na number 1 most wanted sa lugar dahil sa kinakaharap na kasong murder.
Samantala, sa Sta. Cruz, nadakip naman ang 2nd most wanted sa Maynila na wanted sa kasong carnapping.
Nagpapa-pedicure pa ang 21 anyos na suspek nang ito ay madakip.
Narito ang ulat ni Mark Makalalad:
MOST READ
LATEST STORIES