LOOK: Ilang flights kanselado dahil sa sama ng panahon

Kanselado ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) kanselado ang apat na flights ng Cebu Pacific kabilang ang:

5J 506 at 507 Manila – Tuguegarao – Manila
5J 196 at 197 Manila – Cauayan – Manila

Ang mga apektadong pasahero ng nabanggit na mga flights ay pinayuhan ng MIAA na makipag-ugnayan sa airline company para sa refund ng kanilang pamasahe o kaya ay rebooking ng flight.

 

 

 

 

Read more...