Kris Aquino kay Paolo Duterte: Mag-kape tayo o mag-San Mig; hindi ako magdadrama ‘pag nagkaharap tayo

Sinagot ni Kris Aquino ang Facebook post ni Presidential Son Paolo Duterte.

Sa nasabing post sa FB, isang larawan na may caption na may nakasulat na ang EDSA commemoration ay larawan ng pangakong hindi natupad, 30 taon na ang nakararaan at nilagyan pa ito ng caption ni Paolo na “Sorry Krissy ha, ‘wag magdrama, laro na lang ng PS4”,

Sa kaniyang post sa Instagram ngayong Martes ng umaga sinabi ni Kris na sa kaniyang tingin ay nararapat lamang na tumugon siya sa pahayag ng presidential son.

Una sinabi ni Kris na hindi siya marunong maglaro ng PS4. Inimbitahan din nito si Paolo Duterte na sila ay mag-kape o mag-San Mig depende sa kung anong nais ng presidential son.

Tiniyak din ni Kris kay Paolo na hindi siya magda-drama kapag sila ay nagkaharap.

Mabuti ayon kay Kris na makilala nila ni Paolo ang isa’t isa.

“You have my word hindi ako “mag da-drama” pag nagkaharap na tayo. To the best of my knowledge we have never actually met or been personally introduced. It is actually only Kitty your Dad, our president, had introduced me to, way back 8 years ago when i was just campaigning for my brother. I have no agenda other than the desire for you to personally get to know me & vice versa. Too much bad blood has already been manufactured between our families. We have the chance to hear each other out,” ayon kay Kris.

Kung tatanggi aniya si Paolo sa kaniyang paalala sinabi ni Kris na irerespeto niya ito dahil nasa pamilya Duterte ang kapangyarihan at “buong lakas ng gobyerno at kapulisan”.

Sa huli sinabi ni Kris na hihintayin niya ang sagot ni Paolo sa kaniyang paalala at umaasa siyang hindi masasayang ang kaniyang effort at hindi siya iisnabin ng presidential son.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...